________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang sigmoidoscopy ay gumagamit ng isang scope papasok sa iyong tumbong para tignan ang ibabang bahagi ng iyong bituka.
- Nakakatulong ito para malaman kung may kanser, o matunton ang sanhi ng diarrhea, pagdurugo o iba pang problema.
- Mabibigyan ka ng mga tagubilin para sa paglilinis ng mga dumi mula sa iyong mga bituka. Siguruhing sundi ang mga tagubilin, kasama ang kung anong uri ng pagkain at inumin ang puwede sa iyo.
- Pagkatapos ng eksamenasyon, kailangan mong maghintay hanggang sa magkamalay at alerto ka na para makapagmaneho pauwi sa bahay.
________________________________________________________________________
Ano ang sigmoidoscopy?
Ang sigmoidoscopy ay isang eksamenasyon ng tumbong at ibabang bahagi ng iyong bituka, tinawatag ting colon, gamit ang isang manipis, nababaluktot, magaan na tubo at maliit na kamera. Inilalagay ang scope na ito papasok sa loob ng iyong puwit at papunta sa ibabang kalahati ng iyong mga bituka.
Kailan ito ginagamit?
Kadalasang isinasagawa sigmoidoscopy para sa isa sa mga sumusunod na dahilan:
- Pagpigil at maagang pagtuklas ng kanser. Makakatulong ang sigmoidoscopy sa iyong provider na makita ang mga bukol (polyps) na maaaring maging kanser. Pagkatapos ay maaaring tanggalin ang mga pagtubo bago maging kanser ang mga ito. Maaari rin nitong payagan ang iyong provider na maagang makahanap ng mga pagtubo na naka-kanser, kapag mas madaling gamutin ang kanser.
Kung ikaw ay 50 hanggang 75 taong gulang, maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider na magpa-sigmoidoscopy ka nang kahit tuwing 5 taon kasama ng pagsusuri ng dugo na nasa dumi. Kung ikaw ay may personal o history ng pamilya na nagpapataas sa iyong peligro para sa kanser sa colon, maaaring irekumenda ng iyong provider na simulan mong magpasuri nang mas bata at magpasuri nang mas madalas. Sa ilang kaso, maaaring irekumenda ang pagsusuri sa mga taong mas matanda sa 75.
- Diyagnosis ng sakit. Kung may sintomas ka ng sakit, tulad ng diarrhea, dugo sa dumi, pamamayat kahit hindi mo gusto, o pananakit ng sikmura, maaari mong subukan ang pagsusuring ito para malaman ang dahilan ng iyong sintomas.
Papaano akong maghahanda para sa procedure na ito?
- Magplano sa iyong pangangalaga at humanap ng isang tao para magpasakay sa iyo papauwi pagkatapos ng procedure.
- Maaaring mong inumin o hindi ang iyong mga regular na gamot sa araw ng procedure. Sabihin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa lahat ng gamot at mga suplemento na iyong iniinom. Maaaring itaas ng ilang produkto ang panganib ng mga side effect. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o mga suplemento bago ng procedure.
- Sabihin sa iyong healthcare provider kung mayroon kang alergi sa anumang pagkain, gamot o tulad ng latex.
- Mabibigyan ka ng mga tagubilin para sa paglilinis ng mga dumi mula sa iyong mga bituka. Siguruhin na makumpleto ang paghahanda sa dumi gaya ng itinatagubilin, kabilang kung anong klase ng pagkain at inumin ang maaari mong kainin sa mga araw na patungo sa procedure. Maaaring hindi maisagawa ang pagsusuri kung mayroon pa ring dumi ang iyong bituka.
- Sasabihin sa iyo ng iyong provider kung kailan titigil kakain at iinom bago ang procedure. Nakatutulong ito para hindi ka masuka sa panahon ng procedure.
- Sundin ang iba pang tagubilin na ibibigay sa iyo ng provider.
- Magtanong ng anumang katanungan na mayroon ka bago sa procedure. Dapat mong maunawaan kung ano ang gagawin ng healthcare provider at kung gaanong katagal kang magpapagaling. May karapatan ka na magdesisyon tungkol sa iyong healthcare at para magbigay ng pahintulot para sa mga pagsusuri o procedure.
Anong mangyayari sa panahon ng procedure na ito?
Ang procedure na ito ay maaaring gawin sa opisina ng iyong healthcare provider, sa klinika ng outpatient, o sa ospital.
Hihiga ka patagilid sa isang mesa na nakabaluktot ang iyong mga tuhod at nakataas hanggang sa iyong tiyan. Ginagawang mas madali ng posisyong ito para sa iyong healthcare provider na paraanin ang scope papasok sa iyong puwit at papasok sa mababang bahagi ng iyong mga bituka.
Matitingnan ng iyong provider ang mga imahe ng iyong mga bituka sa isang screen ng computer. Binobomba ang hangin papasok sa mababang bahagi ng iyong malaking bituka para makita ng iyong provider ang karamihang bahagi hanggat maaari. Maaaring gawin ng hangin na pakiramdam mo'y namamaga at bigyan ka ng mga pamumulikat.
Kapag may nakitang abrnormal ang iyong provider sa habang ininasaga ang procedure, maaari siyang kumaha ng maliliit na sample ng tissue sa pamamagitan ng scope para suriin sa laboratoryo. Tinatawag itong biopsy. Kung matagpuan ang isang polyp o kanser, magrerekumenda ang iyong provider ng colonoscopy para makita ang buong haba ng iyong malaking bituka. Ang colonoscopy ay kadalasang isinasagawa sa mas huling panahon.
Ang sigmoidoscopy ay karaniwan ng tumatagal ng 10 hanggang 20 minuto.
Anong mangyayari pagkatapos ng procedure na ito?
Pagkatapos ng procedure, normal lang na makadama ka ng kabag o pananakit ng sikmura. Kakailanganin mo rin na magparaan ng gas para maalis ang sobrang hangin na naibomba papasok sa puwit sa panahon ng pagsusuri. Ang paglalakad ay maaaring makatulong mapawi ang hindi kaginhawahan.
Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider. Tanungin ang iyong provider.
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ano ang mga peligro ng procedure na ito?
Ang bawat procedure o paggagamot ay may mga peligro. Ang ilang posibleng peligro ng procedure na ito ay kabilang ang:
- Maaari kang magkaroon ng problema sa anesthesia.
- Maaari kang magkaroon ng impeksyon o pagdurugo.
- Maaaring mapinsal ang ibang bahagi ng iyong katawan sa oras ng procedure.
Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligrong ito. Siguruhin na talakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.