Page header image

Kanser sa Balat

(Skin Cancer)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang kanser sa balat ay ang hindi mapigil, hindi normal na pagtubo ng selula sa balat.
  • Maaaring kasama sa paggamot ang operasyon, chemotherapy, radiation, o gamot upang matulungan ang iyong immune system na labanan ang kanser. Kadalasan, higit sa 1 paggagamot ang ginagamit.
  • Pagkatapos ng paggagamot, kakailanganin mo ng regular na mga follow-up na pagpapatingin sa iyong healthcare provider.

________________________________________________________________________

Ano ang kanser sa balat?

Ang kanser sa balat ay isang pagtubo ng mga abnormal na cell sa balat. Isa ito sa pinakakaraniwang klase ng kanser. Maaari itong mangyari kahit saan ngunit kadalasang natatagpuan ito sa mga bahagi ng balat na nalantad sa araw, tulad ng ulo, mukha, leeg, mga braso, at mga kamay.

Ang 3 pangunahing klase ng kanser sa balat ay:

  • Basal cell cancer. Halos 90% ng lahat kanser sa balat sa US ay basal cell. Mabagal itong lumaki at bihirang kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.
  • Squamous cell cancer. Ang squamous cell cancer ay bihira rin kumalat, ngunit ito’y mas malamang na kumalat kaysa sa basal cell cancer.
  • Melanoma. Ang melanoma ay kadalasang nabubuo mula sa isang nunal. Ito’y sanhi rin ng sobrang araw. Ang melanoma ay hindi kasing karaniwan tulad ng iba pang 2 klase ng kanser sa balat, ngunit mas malala ito at mas malamang na kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Ang mga basal at squamous cell cancer ay karaniwan sa mga tao na regular na nasa araw nang matagal. Ang pareho ay may mataas na antas na malunasan kapag nagamot kaagad. Ang melanoma ay mas mapanganib na kanser sa balat.

Ano ang sanhi?

Pagkakalantad sa mga UV ray mula sa sinag ng araw o mga higaang pang-tan ay pinakakaraniwang sanhi ng kanser sa balat. Maaaring nasa mas mataas kang peligro kung:

  • Ikaw ay may magandang balat na madaling magpekas.
  • Madalas kang magpalipas ng oras sa labas ng bahay, bilang halimbawa, habang nagsasaka, gumagawa sa construction, lumalangoy, umaakyat ng bundok, o nag-i-ski, o nagmamaneho nang ilang ara kada araw na nakalabas sa bintana ang iyong kamay.
  • Naninirahan ka kung saan may maraming radiation ng UV mula sa araw, tulad sa isang mataas na altitude o sa isang tropikal na lugar.

Ang karamihan sa basal at squamous cell na mga kanser sa balat ay lumalabas pagkatapos ng edad na 50, ngunit ang mga nakapipinsalang epekto ng araw ay nagsisimula sa maagang edad. Ang melanoma ay maaaring lumabas sa anumang panahon pagkatapos ng pagbibinata o pagdadalaga. Ang pagprotekta sa balat ay dapat magsimula sa kabataan para maiwasan ang kanser sa balat sa bandang huli ng buhay.

Ano ang mga sintomas?

Karamihan sa mga kanser sa balat ay lumalabas sa mukha, ngunit maaaring mangyari ang mga ito kahit saan. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Isang bagong pagtubo sa balat o isang sugat na hindi gumagaling
  • Isang maliit, makinis, makintab, maputla, o waxy na bukol
  • Isang nakapirming pulang bukol na kung minsan ay nagdurugo o nagkakaroon ng balat
  • Isang pantay, mapulang mantsa na magaspang, tuyo, o makaliskis
  • Pagbabago sa kulay, hugis, o kapal ng isang nunal

Ang maaga, precancerous na kundisyon ng balat ay actinic keratosis. Ito ay magaspang, makaliskis na bahagi ng balat na nabubuo sa mga bahaging nalantad-sa-araw at hindi nawawala. Madaling magagamot ng iyong healthcare provider ang ganitong kundisyon.

Papaano itong sinusuri?

Gagawin ng iyong healthcare provider na:

  • Tingnan ang iyong balat
  • Magtanong tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at kung nagbago sa anumang paraan ang apektadong bahagi ng balat
  • Tanggalin ang lahat o bahagi ng tumubong balat para sa mga eksaminasyon sa laboratoryo (biopsy)

Papaano itong ginagamot?

Ginagamot ang mga kanser sa pamamagitan ng pagtanggal o pagsira sa kanser. Ang pagpipiliang paggagamot ay dumidepende sa klase ng kanser at laki nito at posisyon sa balat. Ang mga posibleng paggamot ay kabilang ang:

  • Pagtatanggal sa kanser sa pamamagitan ng operasyon, ng laser, o pagpapayelo sa tumubo gamit ang liquid nitrogen
  • Mga drogang anticancer na iniinom, iniiniksyon sa ugat o kalamnan, o inilalagay sa ibabaw ng balat para patayin ang mga cancer cell.
  • Ang radiation o magaan na therapy para patayin ang mga cancel cell
  • Mga droga na tumutulong sa iyong immune system na labanan ang kanser

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Kung mayroon kang kanser sa balat, ikaw ay nasa mas mataas na peligro na magkaroon muli ng kanser sa balat. Dapat sigurado kang magpapaeksamin nang regular para masuri ng iyong health provider ang iyong balat.

Tanungin ang iyong healthcare provider:

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong iwasan ang kanser sa balat?

  • Iwasang ilantad ang iyong balat sa sobrang araw.
  • Kapag ikaw ay nasa labas ng bahay:
    • Magsuot ng damit at mga sumbrero na matatakpan ka, at lumayo sa araw sa tangghali hangga’t maaari.
    • Gumamit ng pangharang sa araw. Mas mataas ang sun protection factor (SPF) ng pangharang sa araw, mas napoprotektahan ang iyong balat. Gumamit ng mga produktong may SPF na hindi bababa sa 15. Sa paglangoy, gumamit ng proteksiyong-pampahid na losyon na hindi natatanggal ng tubig. Kung allergic ka sa PABA, gumamit ng lotion na pangharang sa araw na PABA-free. At tandaan na ang mga UV ray mula sa araw maaaring maging sanhi o pinsala kahit na sa mga araw na maulap.
  • Regular na suriin ang iyong balat at agad na i-report sa iyong healthcare provider ang anumang pagbabago. Kung ikaw ay nasa mataas na peligro, magpatingin sa iyong provider para sa mga pagsusuri tulad ng inirerekumenda.
  • Huwag gumamit ng mga sunlamp o higaang pang-tan.
  • Para makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa kanser sa balat, makipag-usap sa iyong provider o kontakin ang:
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2016-05-10
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image