Ang status asthmaticus ay isang malalang atake ng hika na hindi tinatablan sa karaniwang paggagamot. Ang status asthmaticus ay isang medikal na emergency.
Ang hika ay isang hindi gumagaling (pangmatagalang) sakit sa baga. Nagsasanhi ito ng mga sintomas tulad ng pag-ubo, paghinga nang may tunog, at kakapusan ng hininga.
Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.
Ang hika ay maaaring banayad, kainaman, o malala.
Kung ikaw ay may hika, ang mga sintomas ay kadalasang nagsisimula pagkatapos na malantad ka sa isang magpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:
Ang mga taong hindi masyadong nakokontrol ang hika ay pinaka nasa peligro para sa status asthmaticus.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Ang pag-ubo at paghinga nang may tunog ay karaniwang mga sintomas ng hika. Kahit na ang isang taong may status asthmaticus ay maaaring walang sapat na pagdaloy ng hangin upang magawang umubo o huminga nang may tunog.
Ang mga sintomas ay maaaring mabuo sa ilang araw o linggo, o maaaring mabilis na maganap ang isang malalang atake.
Tatanungin ng healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at susuriin ka. Sasailalim ka rin sa mga pagsusuri para masukat ang oxygen sa iyong dugo.
Maaaring kailangan mong magpaospital. Ang ilang tao ay kailangan magamot sa isang intensive care unit (ICU).
Bibigyan ka ng oxygen para pataasin ang level ng oxygen sa dugo. Gagamutin ka sa pamamagitan ng gamot na nilalanghap o sa IV para buksan ang mga daluyan ng hangin. Makatatanggap ka ng mga gamot na steroid at iba pang gamot para pababain ang pamamaga at iritasyon, pakalmahin ang paninikip ng kalamnan, at pinipigilan ang pagdami ng mucus.
Ang status asthmaticus ay napakalala, at kailangan mong malaman kung ano ang mga nakapagpapasimula ang pinkamalala para sa iyo. Mahalaga na maiwasan ang mga bagay na ito hangga’t maaari, at mabilis na magpatingin kung hindi mo maiiwasan ang mga ito. Mahalaga din para sa iyo na inumin ang iyong mga gamot sa hika tulad ng inireseta.