________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang stress incontinence ay pagtulo ng ihi sa panahon ng mga pisikal na aktibidad. Bilang halimbawa, maaring tumulo ang ihi mo kapag nag-ehersisyo ka, umubo, bumahing, tumawa, magbuhat, o makipagtalik. Ito’y isang karaniwang problema para sa kababaihan.
Ang mga kalamnan ng sahig ng balakang ay karaniwang mahigpit na nakalapat sa paligid ng leeg ng pantog. Bumubuo ang mga ito ng singsing ng kalamnan na pinipigil na makalabas ang ihi palagos sa daanan ng ihi. Ang daanan ng ihi ay ang tubo na nagdadala ng ihi palabas ng pantog. Ang mga kalamnan ng sahig ng balakang ay maaaring mabanat o mapunit sa panahon ng pagbubuntis. At saka, pagkatapos mag-menopause ang kakulangan ng estrogen ay nagiging sanhi ng pagninipis ng mga tissue. Maaaring magsanhi ito ng pagkawala ng lusog ng kalamnan. Ang biglaang puwersa sa pantog (bilang halimbawa, mula sa pag-ubo o pagbahing) ay maaaring mapangibabawan ang huminang mga kalamnan at nagsasanhi na makalabas ang ilang ihi.
Ang hindi gaanong karaniwang sanhi ay operasyon sa baywang, na maaaring alinman sa mapahina ang mga kalamnan ng balakang o masira ang mga nerve ng balakang.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagtulo ng ihi sa panahon ng pagbubuhat o iba pang pisikal na aktibidad, pagtawa, pag-ubo, o pagbahing.
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at eeksaminin ka. Amg mga sampol ng iyong dugo at ihi ay susuriin. Maaaring isangguni ka sa isang espesyalista, tulad ng isang urologist o gynecologist, para sa ibayong imbestigasyon at paggagamot. (Ang urologist ay isang healthcare provider na espesyalista sa mga sakit sa daluyan ng ihi sa parehong kalalakihan at kababaihan at sa daluyan ng pagpaparami ng kalalakihan. Ang gynecologist ay espesyalista sa healthcare ng kababaihan at lalo na sa mga sakit ng daluyan ng pagpaparami ng kababaihan.)
Ang mahihinang kalamnan ng sahig ng balakang ay madalas na mapapalakas sa pamamagitan ng mga ehersisyong Kegel. Mararamdaman mo ang kalamnan na kailangan na ma-ehersisyo sa pamamagitan ng pagpisil sa mga kalamnan sa bahagi ng iyong ari. Maaaring matuklasan mo na nakakatulong itong magkunwang pinahihilab mo ang kalamnan ng balakang para pigilan ang daloy ng ihi o pigilang na makapagpasa ng gas. Para gawin ang mga ehersisyo:
Maari mong gawin ang Kegel na ehersisyo kahit saan: habang nakaupo sa isang lamesa, naghihintay ng bus, naghuhugas ng mga pinggan, nagmamaneho ng sasakyan, nakapila, o nanonood ng telebisyon. Walang makakaalam na ginagawa mo ang mga ito.
Maaari kang makakita ng pagbabago para pagpapabuti pagkatapos gawin ang Kegel nang ilang linggo lang. Gayunman, maaaring hindi mo mapansin nang husto ang pagpapabuti hanggang pagkatapos ng 3 hanggang 6 na buwan ng araw-araw na mga ehersisyo. Dapat mong ipagpatuloy ang Kegel araw-araw para panatilihing malakas ang mga kalamnan ng balakang.
Maaaring gusto mong tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa mga apa na maaaring gamitin para matulungang palakasin ang mga kalamnan ng sahig ng balakang. Ang mga apa ay ginagawa na magkakaiba ang laki. Maaari kang magsimula sa isang malaking apa. Ilagay mo ito sa iyong ari at subukang pigilin ito sa puwesto nang 15 minuto ng ilang beses isang araw sa pamamagitan ng paghilab sa iyong balakang o mga kalamnang pang-ari ng babae. Kapag madali na itong gawin para sa iyo, maaari mo nang subukan ang pagpigil sa puwesto ng mas maliit na apa. Ang iyong healthcare provider ay makapag-o-order ng mga apa mula sa isang kumpanyang nagsu-supply hinggil sa pag-oopera.
Maaaring mahirap para sa iyo na hanapin ang tamang mga kalamnan na pipisilin para sa mga ehersisyong Kegel. Kung nagkakaproblema kang gawin ang Kegel, maaari kang makakuha ng tulong mula sa biofeedback o isang physical therapist na may kasanayan sa mga ehersisyo ng sahig ng balakang.
Makakatulong ang ilang gamot na masikipan ang singsing ng mga kalamnan na nagkokontrol sa pagpapalabas ng ihi.
Kapag malala ang mga sintomas at ang mga pagsubok na palakasin ang mga tissue na ito sa pamamagitan ng ehersisyo o iba pang medikal na paggagamot ay hindi nagtatagumpay, maaaring isagawa ang operasyon para magbigay ng suporta sa pantog at sa mga kalamnan ng balakang.