________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Kapag pakiramdam mo ay nai-i-stress, naglalabas ang iyong katawan ng mga kemikal papunta sa dugo. Ang sobrang stress o stress na matagal nang nagpapatuloy ay nagiging sanhi sa mga kemikal na mabuo. Nakapipinsala ito sa iyong pisikal at emosyonal na kalusugan.
- Maaaring magamot ang stress sa pamamagitan ng ehersisyo at pag-aaral ng mga pamamaraan sa pamamahinga. Ang gamot ay maaaring gamitin para sa maikling panahon para makatulong sa pagkaligalig o depresyon hanggang sa maresolba ang stress. Ang therapy na indibidwal, grupo, at pamilya ay maaaring maghandog ng suporta at makatulong bawasan ang mga takot at pag-aalala.
- Subukang humanap ng malulusog na paraan para maaksyunan ang stress. Ang pagpapatingin sa isang therapist ay maaaring makatulong kapag marami kang stress sa iyong buhay.
________________________________________________________________________
Ano ang stress?
Ang stress ay paraan ng katawan sa pagtugon sa anumang uri ng pangangailangan o pagbabago. Kapag pakiramdam mo ay nai-i-stress, naglalabas ang iyong katawan ng mga kemikal papunta sa dugo. Ang mga kemikal na ito ay nagibbigay sa iyo ng lakas na lumaban o tumakas. Matutulungan ka nitong magtuon at pataasin ang iyong enerhiya kung ikaw ay nasa pisikal na panganib. Kung mayroon kang stress na sanhi ng isang bagay na hindi mo malabanan o matakasan, patuloy na dumadami ang mga kemikal. Pinatataas nito ang presyon ng iyong dugo at mas pinahihirapang magtrabaho ang iyong puso. Ang ganitong klase ng stress ay maaaring makaapekto sa iyong pisikal at mental na kalusugan. Ang karamihan sa pagbisita sa opisina ng healthcare provider ay para sa mga kundisyon na kaugnay sa stress.
Ano ang sanhi?
Ang stress ay maaaring maging sanhi ng parehong maganda at masamang mga karanasan. Pagpasok sa paaralan, pagsisimula ng bagong trabaho, pag-aasawa, pagtataguyod ng pamilya, maumentuhan, pagtanda, at pagharap sa sakit ay maaaring lahat ay maging nakaka-stress. Tayong lahat ay may ilang stress sa ating mga buhay, at ang kaunti ay maaaring maging maganda rin sa atin. Sinasabi ng iba na mas marami silang magagawa kung sila ay may deadline. Ngunit ang sobrang stress o stress na patuloy na napakatagal ay nakapipinsala.
Ang anumang bagay na iniisip mong isang problema ay maaaring maging sanhi ng stress sa iyo. Ang iba’t ibang bagay ay nagiging sanhi ng stress sa magkakaibang tao. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng mga pang-araw-araw na bagay, tulad ng pagsubok na balansehin ang iyong mga responsibilidad sa trabaho at pamilya, pati rin ang malalaking problema tulad ng:
- Pagbabago sa pamilya o mga relasyon, tulad ng diborsyo, pagkamatay, o pagsilang
- Hinggil sa pananalapi, pabahay, o mga problema sa trabaho
- Pang-aabuso
- Mga likas na sakuna o gawa-ng-tao
Ang karamihan sa ma-stress na mga kaganapan sa maikling panahon ay maaaring magkaroon ng mas malaking epekto. Ang caffeine at ilang gamot, tulad ng mga stimulant, ay maaaring mapalala ang stress.
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Pananakit sa likod, pananakit ng ulo, o pananakit ng tiyan
- Pagbabago sa gana ng pagkain, heartburn, o pagkasira ng tiyan
- Pagbabago sa mga nakagawian sa pagdumi at pag-ihi
- Pagbabago sa simboyo sa seks
- Nadagdagan na paggamit ng sigarilyo, alkohol, o mga droga
- Pagkairita o galit
- Pagkaligalig
- Kalungkutan
- Mababang enerhiya
- Tensyon sa kalamnan
- Kahirapan sa malalim na pag-iisip o pag-alala sa mga bagay
- Kahirapan sa pagtulog at kapaguran
- Pagdagdag ng timbang o pagbawas ng timbang
Paano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at susuriin ka. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng mga karaniwang sintomas, tulad ng pananakit ng ulo o mga problema sa pagtunaw, na may maraming posibleng mga sanhi. Sisiguruhin ng iyong provider na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alkohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.
Maaaring bigyan ka ng iyong provider ng listahan ng katanungan para masuri sa pagkaligalig at stress.
Paano itong ginagamot?
Therapy
Indibidwal, grupo, at pamilyang therapy ay maaaring maghandog ng suporta, tulungan kang matutunan ang mas mabisang mga pamamaraan na maaksyunan ang stress, at makatulong mabawasan ang mga takot at pag-aalala.
Gamot
Ang gamot ay maaaring ireseta para mabawasan ang mga sintomas ng depresyon o pagkaligalig at tulungan kang makaagapay sa stress. Ang gamot ay kadalasang ginagamit para sa maikling panahon para makatulong hanggang sa maresolba ang stress.
Ehersisyo
Ang ehersisyo ay magandang paraan para mapawi ang stress. Pinapalakas ng pisikal na aktibidad ang mga kemikal sa iyong katawan, tinatawag na mga endorphin, na nakakatulong sa iyo na pabutihin ang iyong pakiramdam Ang pagtuon sa isang sport o isang palaging ginagawang ehersisyo ay makakatulong din sa iyo na makalimutang sandali kung ano ang bumabagabag sa iyo. Ang pag-eehersisyo ay maaari rin makapawi ng tensyon sa kalamnan, tinutulungan kang makaramdam nang mas masigla, at tutulungan kang makatulong nang mabuti.
Kumuha ng sport, sumali sa isang grupo ng ehersisyo, mag-yoga, o maglakad nang kahit isang milya kada araw. Maaaring gustuhin mong mag-ehersisyo kasama ang ibang tao dahil ang pakikisalamuha ay nakatutulong din mapawi ang stress. Maghanap ng aktibidad na nae-enjoy mo at nakatutulong na makapag-unwind ka. Hindi makatutulong kung ang pagpipilit na makahanap ng oras para sa isang programa ng ehersisyo ay makararamdam ka na mas naii-stress!
Pagpapahinga
Ang mga kasanayan sa pagpapahinga ay kinakailangan ng pagsasanay para matutunan. Ang pag-aaral na magpahinga ay maaaring:
- Makatulong sa iyo na makatulog nang mas mabuti
- Alisin sa isip mo kung ano ang bumabagabag sa iyo
- Makatulong sa mga pisikal na sintomas sa pamamagitan ng pagpapababa sa bilis ng tibok ng puso, presyon ng dugo, at tensyon ng kalamnan
Kabilang sa mga kasanayan sa pagpapahinga ang:
- Malalim na paghinga (pagtuon sa mabagal na paghinga nang malalim)
- Paglalarawan sa pag-iisip (nilalarawan ang iyong sarili sa isang payapang lugar at hinahayaang mapahinga ang iyong mga kalamnan)
- Pagkamapag-alala (pagtuon lamang sa ngayon, nang hindi nanghuhusga, at hindi iniisip ang nakalipas o hinaharap)
- Progresibong pagpapahinga ng kalamnan (pagbabanat at pagpapahinga ng iyong katawan, paisa-isang grupo ng kalamnan)
Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?
- Humingi ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Sa pagsasabi ng mga problema ay kadalasang mapapabuti ang iyong pakiramdam. Paligiran ang iyong sarili ng mga taong may positibong pag-uugali.
- Pag-aralang pangasiwaan ang stress.
- Alamin ang mga bagay na nakapagpapabalisa sa iyo at piliting magkaroon ng positibong pag-uugali tungo sa mga hindi mo maiwasan. Piliting huwag mag-alala tungkol sa mga bagay na hindi mo makokontrol.
- Maglaan ng oras para gumawa ng isang bagay na nae-enjoy mo. Gumawa ng isang bagay para sa iyong sarili lamang. Ang pagpapagupit o pagpapamasahe na therapeutic ay makakagawa ng mga himala kapag nai-i-stress ka.
- Piliting resolbahin ang hindi pagkakasundo. Huwag ipagpatuloy ang mga galit na nararamdaman.
- Pasimplihin ang iyong buhay. Suriin ang iyong schedule at listahan ng gagawin. Ano ang dapat gawin? May mga bagay ba na maaari mong hilingan ang iba pang tao na gawin? Anong mga gawain ang maaaring ihinto?
- Huwag piliting gumawa nang sobra-sobra. Magtakda ng mga layunin na makakamit mo. Matutong magsabi nang “hindi.”
- Tanggapin ang resultang “tama lang.” Huwag humingi nang kalubusan sa iyong sarili o iba.
- Hatiin ang malalaking gawain sa mas maliliit na gawain. Planuhing gawin ang mga ito sa ilang mga araw. Huwag ipagpaliban ang mga bagay pagkatapos ay magkukumahog para makahabol.
- Maghanap ng mga paraan para magpahinga: kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng pelikula, o maglakadlakad.
- Magpanatili ng regular na schedule, tulad ng pagkain sa parehong oras araw-araw at pagtulog sa parehong oras gabi-gabi.
- Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain nang malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang mga alkohol at droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga tagubilin ng yong healthcare provider.
- Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo. Inumin ang iyong mga gamot gaya nang itinuturo ng iyong provider.
- Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.
- Humingi ng emergency na pangangalaga kung ikaw o ang isang minamahal ay seryosong nag-iisip ng pagpapakamatay, karahasan, o pananakit ng iba.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.