Ano ang stroke?
Ang stroke ay nangyayari kapag ang daloy ng dugo sa bahagi ng utak ay biglang bumagal o huminto. Ang bahagi ng utak na nawalan ng supply dugo ay humihinto sa paggana. Maaaring magkaproblema ka sa paggamit sa bahagi ng katawan na kinokontrol ng bahagi ng utak na napinsala.
Ang maliit na stroke ay maaaring maging sanhi ng kaunting pinsala. Minsan maaaring magkaproblema ka pagkatapos na pagkatapos ng stroke pagkatapos ang mga ito ay maaaring ganap na mawala sa loob ng kulang sa isang araw. Ang mga klase ng maliliit na stroke na ito ay tinatawag na mga transient ischemic attacks, o TIA. Ang mas malalaking stroke ay maaaring maging sanhi ng panghabangbuhay na pinsala. Paminsan-minsan ang mga ito nagiging sanhi ng pagkamatay.
Kung gaano ka makakabalik sa dating lakas ng katawan mula sa isang stroke ay dumidepende sa kung gaanong napinsala ang utak. Ang ilang tao ay ganap na nakakabalik sa dating lakas ng katawan mula sa isang stroke. Ang iba ay patuloy na nagkakaproblema, tulad ng panghihina sa isang kamay o binti sa isang panig, walang kakayahang magsalita, o pagkaparalisa. Ang ganap na pagbabalik sa dating lakas ng katawan mula sa isang stroke ay mas malamang kung kaagad kang kumuha ng medikal na pangangalaga.
Ang stroke ay tinatawag ding cerebral vascular accident, o CVA.
Ano ang sanhi?
Ang stroke ay maaaring sanhi ng anumang bagay na tinitigil o pinababagal ang daloy ng dugo sa bahagi ng utak. Ang dugo ay maaaring mapigilang makaabot sa tissue ng utak kapag naharangan ang isang blood vessel (isang ischemic stroke) o pumuputok (isang hemorrhagic stroke).
- Ang ischemic stroke ang pinakakaraniwang klase ng stroke. Ang isang blood vessel sa utak ay maaaring maharangan sa iba’t ibang paraan.
- Ang matatabang deposito na tinatawag na plaque ay maaaring dumami sa mga blood vessel na naghahatid ng dugo papunta sa utak. Ginagawang mas makipot ng plaque ang mga blood vessel. Pinabababa ng pagkikipot ang dami ng daloy ng dugo papunta sa utak. Ang maliliit na piraso ng plaque ay maaring masira mula sa dingding ng blood vessel at ganap na mabarahan ng mas maliit na blood vessel.
- Ang mga namuong dugo o taba mula sa iba pang bahagi ng katawan ay maaaring maglakbay papunta sa utak o leeg at harangan ang isang blood vessel sa utak.
- Ang hemorrhagic stroke ay nangyayari kapag ang isang artery sa utak ay napunit at nagiging sanhi ng pagdurugo sa utak. Ang pagdurugo (hemorrhage) ay kadalasang nangyayari nang walang babala. Ang mataas na presyon ng dugo ay maaaring maging sanhi ng mga hemorrhagic stroke. Paminsan-minsan ang depekto sa blood vessel na naroon magmula nang isilang ay maaaring maging sanhi sa ganitong klase ng stroke.
Ang iyong peligro na magkaroon ng stroke ay mas mataas kung ikaw ay:
- Lampas sa edad na 55
- May miyembro ng pamilya na nagkaroon ng stroke
- African American
- Lalake
- Nagka-stroke na, TIA, o atake sa puso
Ikaw ay mas malamang na magkakaroon ng stroke kung ikaw ay may medikal na kundisyon na nakakapuwersa sa mga blood vessel ng iyong puso tulad ng:
- Mataas na presyon ng dugo
- Diabetes o metabolic syndrome
- Mataas na cholesterol
- Sakit sa blood vessel
- Mga problema sa ritmo ng puso o valve ng puso
- Sickle cell anemia
- Sleep apnea
Ang ilang hindi malusog na uri ng pamumuhay ay maaaring mapataas ang iyong peligro para sa isang stroke. Mas malamang na magkakaroon ka ng stroke kung ikaw ay:
- Naninigarilyo
- Kumakain ng hindi malusog na diyeta
- Sobra sa timbang
- Hindi nakakapag-ehersisyo nang sapat
- Gumagamit ng mga ilegal na droga o sobra-sobra sa alkohol
Ano ang mga sintomas?
Nakakatulong ito na isipin ang salitang FAST (mukha(face), kamy(arm), pananalita(speech), at panahon(time)) para matandaan ang mga sintomas ng stroke at ano ang gagawin. Ang mga sintomas ng stroke ay dumarating nang FAST at maaaring kabilang ang:
- Face(mukha)/Head(Ulo)
- Panghihina, pamamanhid, paglalaway, o pangingilabot ng mukha (maaaring sa isang bahagi lamang)
- Kahirapang makakita (sa isa o parehong mga mata)
- Matinding sait ng ulo
- Kahirapan sa pag-iisip
- Kahirapan sa paglunok
- Pakiramdam ay nahihilo kasama ng isa o higit pang sintomas na nakalista sa itaas
- Arm(kamay)/Leg(binti)
- Kahinaan, pamimitig, o panginilabot sa iyong kamay o binti (maaring sa isang bahagi lang ng iyong katawan)
- Kahirapan sa paglalakad o paggalaw ng iyong kamay o binti
- Speech(pananalita)
- Kahirapan sa pagsasalita o pag-unawa ng pananalita
- Time(panahon)
- Tawagan ang 911 para sa agad na tulong na emergency kung may mga sintomas ka ng stroke.
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at iyong medikal na history at eeksaminin ka. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:
- MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para makita ang mga detalyadong larawan ng utak at mga blood vessel
- CT scan, na gumagamit ng mga X-ray at isang computer para makita ang mga detalyadong larawan ng utak at mga blood vessel
- Ultrasound, na gumagamit ng mga sound wave para ipakita ang mga larawan ng mga blood vessel sa leeg at utak
- Cerebral angiogram, na gumagamit ng dye na iniiniksyon sa ugat at mga X-ray para tingnan kung papaaano dumadaloy ang dugo sa utak
- ECG(na tinatawag din ng isang EKG), na sinusukat at nirerekord ang pintig ng iyong puso
- Echocardiogram, na gumagamit ng mga sound wave (ultrasound) para makita ang mga larawan ng loob ng puso.
Hindi siguradong malalaman ng iyong healthcare provider kung anong klase ng stroke ang nakuha mo hanggang sa magpa-CT o MRI scan ka. Kung ang alinman sa pagsusuri ay nagpapakita ng pagdurugo sa utak, ang stroke ay hemorrhagic. Kung ang mga pagsusuri ay nagpapakita ng pinsala nang walang gaanong pagdurugo, kung gayon ang stroke ay itinuturing na ischemic. Yayamang magkaiba ang paggagamot sa 2 klase ng stroke na ito, mahalaga na makuha ang mga pagsusuri na ito sa lalong madaling panahon para makuha mo ang tamang paggagamot.
Papaano itong ginagamot?
Kung sapalagay mong ikaw o isang tao na malapit sa iyo ay nagkaka-stroke, tawagan agad ang 911. Huwag gumawa ng ano pa mang bagay bago ka tumawag sa 911.
Huwag iinom ng aspirin kung sa palagay mong nai-i-stroke ka maliban kung sabihin sa iyo ng healthcare provider na gawin. Ang aspirin ay maaaring gawing mas malala ang hemorrhagic stroke.
Ang mga stroke ay ginagamot sa isang ospital. Ang paggagamot ay dumidepende sa kung anong klase ng stroke ang mayroon ka.
- Ang isang stroke na sanhi ng mga namuong dugo ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng gamot na pangpatunaw-ng-namuo.
- Kapag ang stroke ay sanhi ng pagdurugo sa utak, pipilitin ng iyong healthcare provider na patigilin ang pagdurugo at ayusin ang napunit na blood vessel na nagiging sanhi ng problema.
Maaaring kailanganin mo ng operasyon para kumpunihin ang isang blood vessel, itama ang mga problema sa pagdaloy ng dugo, o magtanggal ng namuong dugo.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Sundin ang plano ng paggagamot na inirerekumenda ng iyong provider.
Pagkatapos ng stroke, maaaring kailanganin mong magsimula ng programa ng rehabilitasyon para tulungan kang makabawi at makaangkop sa mga problemang sanhi ng stroke. Depende sa kung gaano nakaapekto sa iyo ang stroke, maaaring kabilang nito ang physical therapy, occupational therapy, o speech therapy.
- Ang pisikal na therapy ay matutulungan ang iyong mga kalamnan na muling lumakas. Matututunan mo ang mga paraan para kumilos nang ligtas sa mahina o paralisadong mga kalamnan.
- Ang occupational therapy ay maaaring makatulong kung may mga problema ka sa pagsasagawa ng mga bagay tulad ng pagkain at pagbibihis.
- Ang therapy sa pananalita ay maaaring makatulong kung may mga problema ka sa paglunok, pagsasalita, o pag-unawa ng mga salita.
Matututunan mo rin ang tungkol sa diyeta, ehersisyo, at iba pang paraan para mapabuti ang iyong kalusugan at matulungang maiwasan ang isa pang stroke.
Tanungin ang iyong provider.
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Anong mga aktibidad ang dapat mong iwasan at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Papaano akong makakatulong iwasan ang stroke?
Ang ilan sa peligro sa isang stroke ay hindi mapipigilan, tulad ng edad, lahi, at history ng pamilya. Ang iba pang leligro, tulad ng mataas na presyon ng dugo, mataas na cholesterol, diabetes, at sakit sa puso ay makokontol sa tulong ng iyong healthcare provider. Makatutulong din ang mga pagbabago sa istilo ng pamumuhay na maiwasan ang isang stroke:
- Huwag manigarilyo.
- Magbawas ng timbang kung kailangan mo at magpanatili ng malusog na timbang.
- Maging pisikal na aktibo.
- Kumain ng malusog na diyeta.
- Limitahan ang paggamit ng alkohol.
Makakakuha ka ng mas maraming impormasyon sa:
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.