________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang ehersisyo ay tinutulungan pareho ang iyong katawan at ang iyong isipan. Tumutulong itong pababain ang iyong peligro ng sakit. Tinutulungan ka nitong makaramdam nang mas mabuti.
- Mabuti ang pag-eehersisyo upang magpainit at mag-palamig, palalakasin ka, pagaganahin ang iyong puso at baga, at babanatin ang iyong mga kalamnan.
- Ang pinakamagandang ehersisyo para sa iyo ay sa kung saan ka nasisiyahan at mananatiling gagawin ito.
- Tanungin ang iyong healthcare provider kung paano mag-ehersisyo nang ligtas.
________________________________________________________________________
Papaanong makatutulong sa akin ang ehersisyo na manatiling malusog?
Ang ehersisyo ay tinutulungan pareho ang iyong katawan at ang iyong isipan. Tumutulong itong pababain ang iyong peligro ng sakit. Tinutulungan ka nitong makaramdam nang mas mabuti.
Kapag nag-ehersisyo ka araw-araw o kahit na 4 hanggang 5 beses kada linggo, mapapababa mo ang iyong pagkaktaon na magkaroon:
- Ng stroke
- Sakit sa puso
- Diabetes
Mapapababa ng ehersisyo ang iyong:
- Presyon ng dugo
- Cholesterol ng dugo
- Asukal ng dugo
Tinutulungan ng ehersisyo ang iyong sumpong. Binabago nito ang iyong pakiramdam. Tinutulungan ka ng ehersisyo na:
- Magkaroon pa ng enerhiya.
- Matulog nang mas mabuti.
- Pangasiwaan ang stress.
Papaano akong magsisimulang mag-ehersisyo?
Palaging ipaalam sa iyong healthcare provider bago ka magsimula ng programa ng ehersisyo. Kung mayroon kang anumang problema sa kalusugan, makipag-usap sa iyong provider tungkol sa kung anong mga ehersisyo ang maaaring tama para sa iyo.
Pumili ng mga ehersisyo na:
- Nasisiyahan ka.
- Akma sa iyong schedule.
- Isaalang-alang ang anumang problema sa kalusugan na mayroon ka.
Anong mga klase ng mga ehersisyo ang dapat kong gawin?
Mga klase ng ehersisyo na maganda sa iyo ay:
- Pag-uunat. Tinutulungan nito ang mga kalaman na maging hindi gaanong banat.
- Pagbubuha ng mga weight. Tinutulungan ka nitong gawing mas malakas ang iyong mga kalamnan.
- Pag-a-aerobic na ehersisyo. Binibigyan nito ang iyong mga baga at puso ng magandang ehersisyo. Ginagawa nitong mas malakas ang iyong puso, mga baga, at mga kalamnan.
Maraming klase ng mga aerobic na ehersisyo. Bilang halimbawa, maaari kang:
- Maglakad
- Lumangoy
- Tumakbo
- Magbisikleta
- Sumayaw
Pagkatapos ng iyong eherisyo, magpalamig nang 5 hanggang 10 minuto. Bagalan kung ano ang ginagawa mo. O maaari kang maglakad para tulungan kang magpalamig. Kapag nakapagpalamig ka na, natutulungan mo ang:
- Pintig ng iyong puso at binabalik ang paghinga sa normal.
- Pinipigilan na manigas ang iyong mga kalamnan.
Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa kung anong klase ng ehersisyo ang pinakamabuti para sa iyo. Tanungin din kung gaanong kadalas ka dapat mag-ehersisyo. Sa karamihan ng tao mabuting mag-aerobic na eherisyo nang 2 at kalahating oras kada linggo. Halimbawa, maaari kang mabilis na maglakad nang 30 minuto kada araw. Hindi mo kailangang gawin ang 30 minuto nang minsanan. Maaari mong gawin ito nang tig-10 na minuto.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.