Page header image

Pinsala sa Litid

(Tendon Injury)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pinsala sa litid ay pagkabanat o pagkapunit ng matibay na tali ng tissue na nagkakabit sa buto sa kalamnan.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang pinsala.
  • Ang pinsala sa litid ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng ehersisyo, yelo, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang pinsala sa litid?

Ang mga litid ay malalakas na tali ng tisiyu na nagkakabit ng kalamnan sa buto. Ang mga litid ay maaaring mapinsala o maaaring sila ay dahang-dahang masira sa katagalan. Maaari kang magkaroon ng maliit o parsyal na mga pagkapunit sa iyong litid. Kung magkaroon ka ng ganap na pagpunit sa iyong litid, tinatawag itong pagkalagot Ang iba pang pinsala sa litid ay maaaring matawag na strain, tendinosis, o tendonitis.

Ano ang sanhi?

Ang pinakakaraniwang sanhi ng isang pinsala sa litid ay ang pagdaragdag sa haba ng oras ng o katindihan ng isang aktibidad o programa ng ehersisyo na sobrang bilis. Ang mga pinsala sa litid sa tuhod, paa, at kalamnan ng binti ay karaniwan sa mga atleta na gumagawa ng mga sport na kabilang ang pagtakbo at pagtalon. Ang mga pinsala sa litid sa mga tuhod ay maaari rin mangyari sa pagbibisikleta. Ang mga aktibidad tulad ng paglangoy, pagpalo ng golf club, o paghagis ng bola ay maaaring maging sanhi ng mga pinsala sa litid sa balikat. Ang pagsusuot ng mga laspag na sapatos o pagkawala sa hugis ay iba pang posibleng mga dahilan.

Ang mga problema ng kayarian ng katawan tulad ng pagkakaroon ng mga sakang na paa, mas maikling paa kaysa sa kabila, o patag na paa ay maaaari rin humantong sa mga pinsala sa litid. Ang mga pinsala sa litid ay maaari rin mangyari mula sa paulit-ulit na mosyon, tulad ng kapag gumagamit ka ng keyboard o martilyo.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit o pangingirot
  • Nababawasan ang saklaw ng mosyon
  • Panghihina
  • Pamamaga

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.

Papaano itong ginagamot?

Ang mga pinsala sa litid ay maaaring banayad hanggang sa malala. Ang sakit sa maliliit na pinsala sa litid ay kadalasang nawawala sa ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pangangalaga, ngunit kung babalewalain mo ang problema, maaari kang magsimulang magkaroon pa ng malalalang sintomas. Ang paminsan-minsang sakit ay mapapalitan sa palagiang pagkirot, pananakit, at paninigas bago, sa oras, at pagkatapos ng ehersisyo. Sasakit din ang litid kapag ang bahagi sa paligid nito ay mahawakan.

Magpatingin sa iyong healthcare provider kung hindi mawawala ang problema nang ilang linggo. Maaaring bigyan ka ng iyong provider ng mga ehersisyo na gagawin sa bahay, magrereseta ng pisikal na therapy o gamot, o bibigyan ka ng splint para pagpahingahin at protektahan ang napinsalang bahagi. Kung patuloy kang magkakaroon ng pananakit, maaaring bigyan ka ng iniksyon ng isang gamot na steroid.

Ang mga litid na iritado ay maaarin mapuni kung hindi magagamot ang mga ito. Kung mangyayari ito, maaaring kailanganin mo ng molde o operasyon.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Kung nagkakaroon ka ng pananakit:

  • Itigil ang aktibidad na nagiging sanhi ng problema hanggang sa mawala ang pananakit.
  • Gumamit ng yelo sa matitigas o sumasakit na hugpungan pagkatapos ng ehersisyo o trabaho. Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Magmasahe ng yelo. Para gawin ito, pagyeluhin muna ang tubig sa isang cup na Styrofoam, pagkatapos ay talupan ang ibabaw ng cup para malantad ang yelo. Hawakan ang ilalim ng cup at ihagod ang yelo sa sumasakit na bahagi nang 5 hanggang 10 minuto. Gawin ito nang mangilan-ngilang beses kada araw habang may pananakit ka.
  • Panatilihing nakapatong ang napinsalang bahagi sa mga unan kapag uupo o hihiga ka.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
  • Maglagay ng mamasa-masang init sa kumikirot na bahagi nang 10 hanggang 15 minuto bago ka magpainit at mag-ehersisyo ng pag-uunat. Maaaring makatulong ang mamasa-masang init na mapahinga ang iyong mga kalamnan. Kabilang sa mamasa-masang init ang mga heat patch o mamasa-masang heating pad na mabibili mo at karamihan ng botika, isang mainit na basang basahan, o isang mainit na shower. Para maiwasan ang mga paso sa iyong balat, sundin ang mga direksyon na nasa pakete at huwag magsinungaling sa anumang klase ng hot pad. Huwag gagamit ng init kung mayroon kang pamamaga.

Maaari mong ipagpatuloy gawin ang mga aktibidad na hindi nakaka-stress o nagsasanhi ng pananakit sa napinsalang bahagi. Siguruhin na mag-unat bago gumawa ng anumang aktibidad. At saka, maaaring kailanganin mong mag-cross train. Yan ay, imbes na gumawa lamang ng 1 sport, subukan ang iba't ibang aktibidad para maiwasan ang sobrang paggamit sa anumang isang bahagi ng iyong katawan.

Papaano akong makakatulong iwasan ang mga pinsala sa litid?

Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Ang pag-uunat pagkatapos ng iyong aktibidad ay maaari rin makatulong. Kung ikaw ay may pananakit pagkatapos ng ehersisyo, ang paglagay ng yelo sa masakit na bahagi ay maaaring makatulong maiwasan ang pinsala.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kapag nag-ehersiyo ka, magsuot ng sapatos na wastong akma at ginawa para sa aktibidad.

Gumamit ng wastong anyo at postura sa oras ng iyong mga aktibidad, mga sport man o kaugnay-sa-trabaho ang mga aktibidad. Bilang halimbawa, kung maglalaro ka ng tennis, siguruhin na tama ang iyong paghampas at ang iyong tennis racket ay may tamang laki ng tatangnan.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-10-24
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image