Page header image

Pinsala sa Litid na Ulnar Collateral ng Siko

(Ulnar Collateral Ligament Injury of the Elbow)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pinsala sa litid na ulnar collateral ay ang pagkabanat o pagkapunit ng matibay na tali ng tissue na nagkakabit sa buto ng iyong itaas na bisig sa buto sa gilid ng maliit na daliri ng iyong ibabang bisig.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang pinsala.
  • Ang pilay sa pupulsuhan ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga palapa (splint) o sakbat (sling), yelo, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang isang pinsala sa litid na ulnar collateral ng siko?

Ang pinsala sa litid na ulnar collateral ay isang pinsala sa isang litid sa iyong siko. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Ang litid na ulnar collateral ay nagkakabit sa buto sa itaas na bisig sa ibabang buto ng bisig (ulna) na bumubuo sa mabutong dulo ng siko. Ang ibabang dulo ng ulna ay kumakabit sa pupulsuhan sa panig ng hinliliit ng kamay.

Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang pinsala sa litid ay tinatawag din na pilay.

Ano ang sanhi?

Ang mga pinsala sa litid na ulnar collateral ay maaaring maging sanhi ng:

  • Sobrang paggamit ng litid mula sa isang sport o aktibidad sa trabaho na naglalagay ng stress sa iyong papaloob na siko, tulad ng paulit-ulit na pagbato sa baseball o football. Ang stress sa siko ay maaaring maging sanhi ng napakaliit na punit na maaaring lumala sa katagalan.
  • Isang biglaang aktibidad na nagpapabalukto o nakakapunit ng litid, tulad ng pagkabagsak na una ang iyong siko o sa isang nakaunat na kamay. Ang litid ay maaari rin mapinsal kung madaganan ka ng isa pang tao sa iyong siko.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit sa panloob na panig ng iyong siko
  • Pamamanhid sa iyong nakakatusok na daliri
  • Pamamaga at panghihina
  • Kawalan ng lakas sa pagbato

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari sumailalim ka sa mga X-ray o iba pang scan, tulad ng:

  • Isang ultrasound, na gumagamit ng mga sound wave para ipakita ang mga larawan ng hugpungan ng iyong siko
  • Isang MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para ipakita ang mga detalyadong larawan ng hugpungan ng iyong siko
  • Isang arthrogram, na isang X-ray o MRI na kinukuha pagkatapos na mainiksyunan ng dye papasok sa iyong hugpungan para mailarawan ang hugis nito

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid. Bilang halimbawa, kung mayroon kang pinsala sa sobrang gamit mula sa paglalaro ng baseball o football, napakahalaga na magpahinga mula sa pagbato. Kung maagang masuri ang problema at mayroon kang bahagyang pagkapunit, magpahinga nang 3 hanggang 6 na liggo ay maaaring sapat. Paminsan-minsan ang panahon ng pagpapahinga ay kinakilangang mas matagal. Pagkatapos ng panahon ng pagpapahingang iyon ang dahan-dahang pagbabalik sa pagbato ay maaaring kailanganin ng pangangasiwa ng iyong healthcare provider, physical therapist o athletic trainer.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.

Maaaring kailanganin mo ng splint o isang sling nang ilang linggo para panatilihing hindi gumalaw ang iyong siko habang naghihilom ito.

Kung ganap na napunit ang litid, maaaring kailanganin mo ng operasyon para kumpunihin ito. Maaaring kailanganin mo rin ng operasyon kung mayroon kang bahagyang pagkapunit na hindi bumubuti sa pamamagitan ng panhinga at mga ehersisyo.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Panatilihing nakapatong ang iyong kamay sa mga unan kapag uupo o hihiga ka.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Anong mga aktibidad ang dapat mong iwasan at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.

Papaano akong makakatulong maiwasan ang isang pinsala sa litid na ulnar collateral ng siko?

Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Kung sumasakit ang iyong kamay pagkatapos ng ehersisyo, ang paglagay ng yelo dito ay maaaring makatulong mapigilan ito na mapinsala.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport.

Iwasan ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit. Bilang halimbawa, huwag bumato nang sobra at itigil ang iyong aktibidad kung sumasakit ang iyong siko.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-04-30
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image