________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang vaginal hysterectomy ay operasyon para tanggalin ang matris palagos sa ari ng babae. Isa itong paraan para alisin palabas ang matris palagos sa isang hiwa sa ari ng babae imbes na palagos sa isang hiwa sa iyong tiyan. Ang mga obaryo o fallopian tube (iba pang bahagi ng katawan ng babae) ay maaari rin tanggalin kapag tinanggal ang matris.
Ang matris (sinapupunan) ay ang matipunong bahagi ng katawan na nasa ibabaw ng ari ng babae. Ang mga sanggol ay lumalaki sa loob ng matris, at ang dugo ng regla ay nanggagaling sa matris. Kung nagkakaregla ka bago ang operasyon, hindi ka na magkakaroon nito pagkatapos ng operasyon. Kung wala ang iyong matris hindi ka na maaaring mabuntis.
Kapag ang vaginal hysterectomy ay tinutulungan ng laparoscopy, gumagamit ang iyong healthcare provider ng kasangkapang tinatawag na laparoscope para makatulong sa pagtatanggal. Ang laparoscope ay isang may-ilaw na tubo na may kamera na inilalagay palagos sa isang maliit na hiwa na malapit sa iyong pusod. Pinahihintulutan nito ang iyong healthcare provider na makita ang mga organo. Kapag ginagamit ang laparoscopy, magkakaroon ka lang ng maliliit na hiwa sa iyong tiyan. Ang ibig sabihin nito ay malamang na hindi ka gaanong masasaktan pagkatapos ng operasyon na ito kaysa kung tinanggal ang iyong matris palagos sa isang mas malaking hiwa sa iyong tiyan, at ang pagpapagaling ay kadalasang mas mabilis. Ang ilang healthcare provider ay maaaring gumamit ng robot para makatulong sa ganitong klase ng hysterectomy.
Ang procedure na ito ay hindi nag-iiwan ng malaking nakikitang peklat. Maaari kang magkaroon ng napaliliit na peklat mula sa 2 o 3 maliliit na hiwa sa iyong tiyan na ginamit para maglagay ng mga kasangkapan papasok sa iyong tiyan.
Napakaraming dahilan kung bakit maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang operasyon para tanggalin ang iyong matris. Ang ilan sa mga problema na maaaring magamot sa isang hysterectomy ay:
Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa iyong mga pagpipilian para sa paggagamot at ang mga peligro.
Kadalasang isinasagawa ang procedure sa ospital.
Bibigyan ka ng regional o general anesthetic para mapigilan kang makaramdam ng kirot. Ang regional anesthetic ay pinamamanhid ang bandang ibabang bahagi ng iyong katawan habang gising ka. Pinapahinga ng general anesthesia ang iyong mga kalamnan at pinatutulog ka nang mahimbing.
Gagawa nang maliit na hiwa ang iyong healthcare provider na malapit sa iyong pusod. Palolobohin ng carbon dioxide na gas ang iyong tiyan. Tutulungan nito ang iyong healthcare provider na makita ang mga bahagi ng iyong katawan. Maglalagay ng laparoscope ang iyong healthcare provider palagos sa hiwa. Ginagamit ang scope para makita ang matris at ginagabayan ang iba pang kasangkapan palagos sa maliliit na hiwa sa iyong tiyan. Ang iyong provider ay gagawa ng hiwa sa ari ng babae at tatanggalin ang matris palagos sa ari ng babae. Ang mga obaryo o fallopian tubes (iba pang bahagi ng katawan ng babae) ay maaaring matanggal din. Pagkatapos ay tinatanggal ang laparoscope at iba pang kasangkapan at ang mga hiwa sa iyong tiyan ay isinasara.
Kung nabanat ang mga litid at iba pang tissue sa paligid ng ari ng babae mula sa pagkakatanda o panganganak, maaari rin ayusin ng iyong provider ang mga gilid ng ari ng babae. Pagkatapos ay isinasara ang ibabaw ng ari ng babae.
Paminsan-minsan ay maaari kang umuwi sa parehong araw ng iyong operasyon, o maaaring kang manatili sa ospital nang 1 hanggang 3 araw.
Maaaring kailangan mong umuwi na may catheter sa iyong pantog hanggang sa muling gumana nang normal ang iyong pantog. Ang iyong healthcare provider ay magdedesisyon kung kailan maaaring matanggal ang catheter sa panahon ng follow-up na pagpapatingin.
Maaari kang magkaroon ng ilang pananakit, pagduduwal, o pagsusuka pagkatapos na pagkatapos ng procedure. Maaari kang bigyan ng gamot ng iyong healthcare provider para matulungan ang mga problemang ito.
Paminan-minsan ang gas na ginagamit para palobohin ang iyong tiyan ay magiging sanhi ng pananakit sa iyong kanang balikat. Kadalasang nawawala ito pagkatapos ng isa o dalawang araw ng pamamahinga sa higaan.
Ang pagkain ng mga prutas at gulay at pag-inom ng mga ekstrang likido ay maaaring matulungan kang iwasan ang pagtitibi. Ang pagtitibi ay karaniwan pagkatapos ng operasyon dahil sa ilang gamot at kawalan ng galaw. Kung ang diyeta at mga ekstrang likido ay hindi sapat para maiwasan ang pagtitibi, maaaring irekumenda ng iyong provider ang pampalambot ng dumi o isang pampurga. Ipaalam sa iyong healthcare provider kung nagiging isang problema ang pagtitibi.
Kung tatanggalin ang mga obaryo, agad-agad na magsisimula ang menopause kung hindi ka pa nagme-menopause. Ang iyong healthcare provider ay maaaring magreseta ng gamot, tulad ng hormone therapy, para matulungang mapaginhawa ang ilang sintomas ng menopause. Siguruhing pag-usapan ang anumang alalahanin na mayroon ka tungkol sa mga epektong ito at mga paggagamot kasama ang iyong provider bago ng operasyon.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ang bawat procedure o paggagamot ay may mga peligro. Ang ilang posibleng peligro ng procedure na ito ay kabilang ang:
Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligrong ito. Siguruhin na tatalakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.