Page header image

Vasectomy (Pagkakapon sa Kalalakihan)

(Vasectomy, Sterilization for Men)

Ano ang vasectomy?

Ang vasectomy ay isang procedure na maaaring magawa ng kalalakihan para hindi mabuntis ang kanilang kapareha kapag nagtalik sila. Ginagawa nitong baog ang lalake. Kapag isinagawa ang vasectomy, ang 2 tubo na nagdadala ng semilya mula sa itlog ng bayag papunta sa ari ng lalaki ay pinuputol at hinaharangan. (Ang mga tubong ito ay tinatawag na vas deferens, o vas.) Halos 3 buwan pagkatapos ng vasectomy, ang likido na inilalabas sa panahon ng sex (isperma) ay hindi na naglalaman ng semilya.

Ang vasectomy ay isang napaka-maaasahang paraan ng pagpigil sa pag-aanak. Ang posibilidad ng pagbubuntis pagkatapos ng vasectomy ay napakakaunti: Sa bawat 1000 magkapareha na ginagamit ang ganitong pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak, 1 ang maaaring mabuntis.

Ang vasectomy ay hindi binabago ang abilidad ng lalake na makipagtalik, magpalabas, o nag-o-orgasmo. Ang tanging pagkakaiba ay walang semilya sa isperma para maging sanhi ng pagbubuntis.

Kailan ito ginagamit?

Ang vasectomy ay isa sa pinakamabisa at pinakaligtas na uri ng pagpigil sa pag-aanak. Isinasagawa lamang ito kapag hiniling ito ng lalake, at dapat itong isaalang-alang lamang kapag gusto ng isang lalake na maging permanenteng baog. Ang vasectomy ay maaaring paminsan-minsang baligtarin, ngunit ang procedure ng pagbabalik ay hindi palaging matagumpay.

Ang halimbawa ng isang alternatibo ay para subukan ang iba pang uri ng pagpigil sa pag-aanak. Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa iyong mga pagpipilian at ang mga peligro.

Papaano akong maghahanda para sa procedure na ito?

  • Ang pinakamahalagang paghahanda ay pag-iisip nang mabuti tungkol sa desisyon na maging baog. Tandaan na dapat isaalang-alang ito na isang permanenteng desisyon. Dapat kang makipag-usap sa iyong kapareha tungkol dito at maging napakasigurado na hindi mo gustong magkaanak sa hinaharap.
  • Maghanap ng isang taong maghahatid sa iyo pauwi pagkatapos ng procedure.
  • Ang ilang gamot (tulad ng aspirin) ay maaaring mapataas ang iyong peligro ng pagdurugo sa panahon o pagkatapos ng procedure. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o mga suplemento bago ng procedure.
  • Maaaring hilingan ka na ahitin ang bahagi sa paligid ng iyong scrotum sa gabi bago ng procedure.
  • Maaaring magreseta ang iyong provider ng gamot na maaari mong inumin bago ng procedure para matulungan kang makalma. Siguruhin na tanungin ang tungkol dito.
  • Sundin ang anumang ibang tagubilin na ibinibigay sa iyo ng iyong healthcare provider.
  • Magtanong ng anumang katanungan na mayroon ka bago sa procedure. Dapat mong maunawaan kung ano ang gagawin ng iyong healthcare provider.

Anong mangyayari sa panahon ng procedure?

Ang procedure ay isinasagawa sa opisina ng iyong healthcare provider o sa isang outpatient na klinika.

Una, pinamamanhid ng iyong provider ang bawat gilid ng iyong scrotum sa pamamagitan ng isang lokal na anesthetic para hindi ka makaramdam ng pananakit.

May ilang iba’t ibang paraan para gawin ang procedure.

  • Ang isang paraan ay kabilang ang paggawa ng 1 o 2 maliit na hiwa (mga hiwa) sa balat ng scrotum. Hihilahin ng iyong provider ang bawat vas palagos sa bukana at pinuputol ang vas. Maaaring magtanggal ng maliit na bahagi ng bawat vas ang iyong provider. Pagkatapos ang 2 dulo ng bawat vas ay magkadikit na isasara, gamit ang stitches, cautery (pagsunog ng mainit na kable o daloy ng kuryente), o isang clip na bakal. Pagkatapos ay ibabalik ng iyong provider ang bawat tubo sa scrotum at isasara ang mga hiwa sa scrotum gamit ang stitches.
  • Ang isa pang paraan para magpa-vasectomy ay tinatawag na no-scalpel vasectomy. Kakapain ng iyong provider ang bawat vas sa ilalim ng balat ng scrotum at pinipigil ang mga ito sa puwesto gamit ang isang maliit na clamp. Pagkatapos ay gagamit ang iyong provider ng espesyal na instrumento para gumawa ng maliit na tusok sa balat at binabanat ang bukana para maputol ang tubo at maitali. Ang paraang ito ay nagsasanhi ng napakaliit na pagdurugo. Ang mga butas ay mabilis na maghihilom nang mag-isa, kaya walang mga stitches ang kakailanganin.

Ang procedure ay tatagal nang halos 30 minuto.

Anong mangyayari pagkatapos ng procedure?

Maaari kang umuwi pagkatapos maisagawa ang procedure. Kapag umuwi ka, itaas ang iyong mga paa, yeluhan ang bahagi ng iyong scrotal, at suportahang pataas ang iyong mga binti.

Sa 2 hanggang 4 na buwan gumamit ng ibang pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak hanggang sa magpakita na walang semilya ang pagsusuri ng isperma. Umaabot sa katamtaman na 15 paglalabas para sa lahat ng semilya na lumabas sa mga tubo ng vas.

Tanungin ang iyong healthcare provider.

  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Anong mga aktibidad ang dapat mong iwasan, kabilang kung gaanong kadali na makakapagtalik ka, gaanong timbang ang maaari mong buhatin, at kailan ka makababalik sa iyong mga normal na aktibidad.
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup at mga pagsusuri ng isperma.

Ano ang mga peligro ng procedure na ito?

Ipapaliwanag ng iyong healthcare provider ang procedure at anumang mga peligro. Kabilang sa ilang posibleng peligro ang:

  • Ang anesthesia ay may ilang peligro. Pag-usapan ang mga peligrong ito kasama ng iyong healthcare provider.
  • Maaari kang magkaroon ng impeksyon o pagdurugo.
  • Sa bihirang mga kase, magkakaroon ka ng pananakit sa isa o parehong itlog na hindi nawawala.
  • May posibilidad na ilang buwan o taon pagkatapos ng operasyon ang mga semilya ay maaaring muling lumabas sa isperma at posibleng maging sanhi ng pagkabuntis ng babae.

Mayroong peligro sa bawat paggagamot o procedure. Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligrong ito. Siguruhin na talakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-07-25
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image