Page header image

Pinsala sa Litid ng Pupulsuhan

(Wrist Tendon Injury)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pinsala sa litid ng pupulsuhan ay ang pagkabanat o pagkapunit ng isa o marami pang matitibay na tali ng tissue na nagkakabit sa mga kalamnan sa mga buto sa iyong pupulsuhan.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang pinsala.
  • Ang pinsala sa litid ng pupulsuhan ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga palapa (splint), ehersisyo, yelo, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang isang pinsala sa litid ng pupulsuhan?

Ang pinsala sa litid ng pupulsuhan ay isang problema sa mga kalamnan at litid sa iyong pupulsuhan. Ang mga litid ay malalakas na tali ng tisiyu na nagkakabit ng kalamnan sa buto. Ginagamit mo ang mga litid at kalamnan sa iyong pupulsuhan para igalaw ang iyong pupulsuhan sa lahat ng direksyon.

Ang mga litid ay maaaring mapinsala o maaaring sila ay dahang-dahang masira sa katagalan. Maaari kang magkaroon ng maliit o parsyal na mga pagkapunit sa iyong litid. Kung magkaroon ka ng ganap na pagpunit sa iyong litid, tinatawag itong pagkalagot Ang iba pang pinsala sa litid ay maaaring tawaging pilay, tendinosis, o tendonitis.

Ano ang sanhi?

Ang mga pinsala sa litid ng pupulsuhan ay maaring sanhi ng:

  • Sobrang gamit ng litid mula sa isang sport o aktibidad ng trabaho na kabilang ang paggalaw ng iyong pupulsuhan, tulad ng pagbato, pagsalo, pagtama ng bola ng tennis, pagta-type o pananahi
  • Isang biglaang aktibidad na nagpapabaluktot o nakakapunit ng iyong litid, tulad ng pagbagsak at paglapag sa iyong pupulsuhan

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananaki sa iyong pupulsuhan at braso sa paulit-ulit na aktibidad
  • Pananakit kapag hinawakan ang bahagi
  • Pamamaga sa paligid ng iyong pupulsuhan

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid. Bilang halimbawa, maaaring kailanganin mong tumakbo imbes na maglaro ng mga sport na may raketa. Ang isang splint o tape na magpapantili sa iyong pupulsuhan o hinlalaki na hindi gumalaw ay maaaring makatulong. Tanungin ang iyong provider tungkol dito.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.

Kung patuloy kang magkakaroon ng pananakit, maaaring bigyan ka ng iniksyon ng isang gamot na steroid. Kung hindi gumagana ang mga paggagamot na ito, maaaring kailanganin mo ng operasyon para pahupain ang sakit.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para panatilihing maimpis ang pamamaga at tulungang pahupain ang pananakit:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Magmasahe ng yelo. Para gawin ito, pagyeluhin muna ang tubig sa isang cup na Styrofoam, pagkatapos ay talupan ang ibabaw ng cup para malantad ang yelo. Hawakan ang ilalim ng cup at ihagod ang yelo sa sumasakit na bahagi nang 5 hanggang 10 minuto. Gawin ito nang mangilan-ngilang beses kada araw habang may pananakit ka.
  • Panatilihing nakapatong ang iyong pupulsuha sa isang unan kapag uupo o hihiga ka.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
  • Maglagay ng mamasa-masang init sa kumikirot na bahagi nang 10 hanggang 15 minuto bago ka magpainit at mag-ehersisyo ng pag-uunat. Maaaring makatulong ang mamasa-masang init na mapahinga ang iyong mga kalamnan. Kabilang sa mamasa-masang init ang mga heat patch o mamasa-masang heating pad na mabibili mo at karamihan ng botika, isang mainit na basang basahan, o isang mainit na shower. Para maiwasan ang mga paso sa iyong balat, sundin ang mga direksyon na nasa pakete at huwag magsinungaling sa anumang klase ng hot pad. Huwag gagamit ng init kung mayroon kang pamamaga.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, kabilang kung gaanong kabigat ang mabubuhat mo, at kung kailan ka makababalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong maiwasan ang mga pinsala sa litid ng pupulsuhan?

Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Kung sumasakit ang iyong kamay o pupulsuhan pagkatapos ng ehersisyo, ang paglagay ng yelo dito ay maaaring makatulong mapigilan ito na mapinsala.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport.

Iwasan ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit--bilang halimbawa, pagbato, pagtama ng bola ng tennis, at pag-type.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-10-24
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image