Page header image

Pagkalason sa Acetaminophen

(Acetaminophen Poisoning)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Nangyayari ang pagkalason sa acetaminophen kapag uminom nang sobrang acetaminophen ang iyong anak.
  • Kung sa palagay mo na nakainom nang sobra-sobrang acetaminophen ang iyong anak, tawagan ang poison control center sa 800-222-1222 o kaagad na kumuha ng pang-emergency na pangangalagang medikal. Huwag subukang ikaw mismo ang gumamot sa iyong anak.
  • Kung wastong maipapainom, ligtas ang gamot na ito para sa mga sanggol at bata. HUWAG paiinumin ang iyong anak ng maraming gamot kaysa sa inuutos.

________________________________________________________________________

Ano ang pagkalason sa acetaminophen?

Ang acetaminophen ay isang gamot na ginagamit para gamutin ang pananakit at lagnat. Ibinebenta ang acetaminophen sa ilalim ng maraming pangalan ng brand. Makikita ito sa maraming gamot, tulad ng mga gamot sa pananakit, at mga gamot sa sipon at trangkaso. Isa itong ligtas na gamot kapag ipinapainom sa tamang dosis. Nangyayari ang pagkalason sa acetaminophen kapag uminom nang sobrang acetaminophen ang iyong anak.

Ang labis na dosis ng gamot na ito ay maaaring lubhang makapinsala sa atay. Kung kaagad na magagamot, maaaring makapanumbalik sa dating lakas ng katawan ang iyong anak na walang mga pangmatagalang problema sa kalusugan. Kung malala ang pinsala sa atay, maaaring kailanganin ng iyong anak ang liver transplant.

Ano ang sanhi?

Ang labis na dosis ay maaaring mangyari kung ang iyong anak ay:

  • Sadyang umiinom nang sobra
  • Aksidenteng umiinom nang sobra, tulad ng hindi pagsukat sa tamang dosis o sobrang dalas iniinom ang gamot
  • Umiinom ng iba’t ibang gamot na lahat ay naglalaman ng acetaminophen

Ano ang mga sintomas?

Maaaring hindi magkaroon ng mga sintomas ang iyong anak nang hanggang sa 24 na oras pagkatapos inumin ang gamot. Maaaring kabilang sa maaagang sintomas ang:

  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Kawalan ng gana

Kung hindi kaagad magagamot, maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit sa bandang kanang itaas ng tiyan
  • Pagtatae
  • Coma
  • Pagpkalito
  • Mga atake

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas at medikal na history ng iyong anak at susuriin ang iyong anak. Maaaring bigyan ng mga pagsusuri sa dugo o ihi ang iyong anak.

Paano itong ginagamot?

Kung sa palagay mo na nakainom nang sobra-sobrang acetaminophen ang iyong anak, tawagan ang poison control center sa 800-222-1222 o kaagad na kumuha ng pang-emergency na pangangalagang medikal. Dalhin ang botelya. Mas madaling malunasan ng mga gamot ang iyong anak, mas mabuti ang pag-asa na gagaling ang iyong anak.

Huwag subukang ikaw mismo ang gumamot sa iyong anak. Huwag subukang pasukahin ang iyong anak.

Paano akong makatutulong iwasan ang pagkalason sa acetaminophen?

  • Marami sa inireseta at hindi iniresetang gamot para sa pananakit, sakit ng ulo, at sipon ay naglalaman ng acetaminophen. Basahing mabuti ang mga etiketa para malaman kung alin ang maaaring naglalaman ng acetaminophen. Maaari rin tawagin ito na non-aspirin pain reliever. Kung hindi mo malaman kung umiinom ang iyong anak nang higit pa sa inirerekumendang dosis kada araw, hilingan ang iyong healthcare provider o parmasyotiko na repasuhin ang lahat ng gamot ng iyong anak.
  • Kung wastong maipapainom, ligtas ang gamot na ito para sa mga sanggol at bata. Kailangang mong ipainom ang dosis batay sa timbang ng iyong anak, hindi sa edad ng iyong anak.
    • Bigyan ang mga sanggol ng pampatak. Gamitin LAMANG ang kasangkapang pang-dosis na kasama sa pakete ng gamot para maipainom ang tamang dosis ng gamot. Hindi ligtas na gumamit ng pangpatak mula sa isang botelya para sa iba pang botelya. Ang pagdo-dosis ay hindi palaging pareho sa mga gamot. HUWAG gagamit ng kutsaritang pangbahay para magpainom ng dosis.
    • Maaari mong painumin ng likido o mga nangunguyang tableta ang mas matatandang bata. Siguruhin na ngunguyain nila ang mga tableta bago lunukin para maiwasan ang pagkahirin. Kung bibigyan mo ang iyong anak ng mga tabletang natutunaw, siguruhin na matutunaw ang mga ito sa bibig ng iyong anak bago niya lunukin.
    • HUWAG paiinumin ang iyong anak ng maraming gamot kaysa sa inuutos.
Developed by RelayHealth.
Pediatric Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2016-04-04
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image