Page header image

Pag-abuso sa Sustansya: Kilalanin ang Mga senyales

(Substance Abuse: Recognize the Signs)

Ano ang pag-abuso sa sustansya?

Ang pag-abuso sa sustansya ay kapag ang iyong anak ay patuloy na umiinom ng droga kahit na nagdudulot ito ng problema tulad ng:

  • Ang pagdating nang huli o pagliban sa trabaho o paaralan at hindi iniintindi ang tungkol sa mga bagay na dating mahalaga sa kanya
  • Nilalabag ang mga patakaran o nilalabag ang batas
  • Hindi tinutupad ang mga pangako, nakikipagtalo, o nagiging marahas sa ibang tao
  • Paggawa ng mga bagay na mapanganib, tulad ng pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensiya

Ang pag-abuso sa susyansya ay inilalagay ang mga bata sa mas mataas na peligro sa mga aksidente, karahasan, hindi planado at ligtas na sex, at pagpapakamatay. Kung patuloy na pang-aabuso sa mga droga ng iyong anak, ay maaari siyang malulong. Kapag lulong sa mga droga ang iyong anak, siya ay:

  • Maaaring kailanganing gumamit pa ng maraming droga, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto
  • Mawawalan ng kontrol, na ang ibig sabihin ay patuloy siyang gumagamit ng mga droga kahit na alam niya na nakakapinsala ito sa kanya o sa iba pa, o hindi niya mapigilan ang paggamit sa mga droga kapag sinusubukan niya
  • Sobrang pananabik sa mga droga na komukunsumo siya ng maraming oras at enerhiya na makakuha ng mga droga, makagamit ng mga droga, at mapaglipas sa mga epekto
  • May magkaroon ng mga sintomas ng withdrawal kapag titigil siya sa paggamit ng mga droga

Ang pagkalulong ay tinatawag ding pagkagumon.

May maraming klase ng droga, parehong ligal at ilegal, na maaaring maabuso:

  • Alkohol
  • Marijuana, heroin, at cocaine
  • Mga inhalant, kung saan ay mga singaw mula sa glue, paint thinner, o fluid ng lighter
  • Mga drogang gawa ng tao tulad ng methamphetamine, Ecstasy, o LSD
  • Nicotine
  • Mga gamot sa ubo, sipon, pagtulog at diyeta na walang reseta
  • Ang mga gamot na iniresta tulad ng mga steroid, stimulant, mga gamot sa pagtulog, mga narkotikong gamot sa pananakit, o mga mga gamot para gamutin ang ligalig

Ano ang mga senyales ng pag-abuso sa alkohol o mga droga?

Kung umaabuso ang iyong anak sa alkohol o mga droga, siya ay maaaring:

  • Maging padaskul-daskol at may napakaraming aksidente
  • Maging walang kakayanan na makinig nang mabuti
  • Maging sumpungin, magalit, o nag-aalala sa lahat ng oras
  • May mga sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, panginginig, pag-ubo, malabong pananalita, sumusuray, o isang palagiang pagtulo ng ilong
  • May biglaang mga pagbabago sa hitsura tulad ng mapupula o namumugtong mata, o mabilis na pagbabago ng timbang
  • Nahihirapang matulog o gumising at palaging mukhang pagod
  • Nawawalan ng interes sa mga aktibidad na dating naghahatid ng kasiyahan tulad ng mga libangan o sports
  • Tumitigil sa pagpapakita ng interes sa paaralan, bumababa ang mga grado, o tumitigil sa pagpasok sa paarala
  • Tumitigil sa paggugol ng oras kasama ng mga kaibigan o nagsisimulang maki-istambay sa mga batang gumagamit ng mga droga

Ang ilan sa senyales ng mga babalang ito ng pag-abuso sa droga o alkohol ay maaari rin maging mga senyales ng iba pang problema. Susuriin ng healthcare provider ng iyong anak at tatanungin ang tungkol sa mga sintomas para alamin kung mayroong pisikal na dahilan para sa kanyang mga sintomas. Ang iyong anak ay maaaring gamutin para sa mga pisikal na problema, o isangguni sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-iisip.

Ang ilan sa mga sintomas na ito ay karaniwan sa mga teenager. Kung nag-aalala ka na gumagamit ng mga droga ang iyong anak, kausapin sila.

Papaano kong matutulungan ang aking anak?

  • Turuan ang iyong anak kung papaanong mamili nang tama tungkol sa alkohol at mga droga. Turuan sa paraan na umaakma sa edad ng iyong anak at abilidad na makaunawa.
    • Kung nanonood ka ng TV kasama ang iyong 6-na-taon at nabanggit ang coccaine sa isang programa, maaari mong sabihing, "Alam mo ba kung ano ang cocaine? Masama itong gamot na maaaring makasakit sa katawan mo." Kung marami pang tanong ang iyong anak, sagutin ang mga ito. Kung hindi, hayaan ito. Maikli, mga simpleng kumentarayo, na madalas ulitin, ay maipababatid ang mensahe.
    • Para sa iyong 12-taong-gulang, maaaring ipaliwanag mo kung ano itsura ng cocaine at crack, ang iba't ibang pangalan para sa cocaine, at kung papaano mababago ng paggamit ng cocaine ang kanyang utak at katawan. Ulitin ang mensahe. Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga droga sa tuwing magagawa mo.
  • Makinig sa mga damdamin at alalahin ng iyong anak, para pakiramdam nila'y kumportableng makipag-usap sa iyo.
  • Linawin ang posisyon ng iyong pamilya sa mga droga. Bilang halimbawa "Sa aming pamilya, hindi kami gumagamit ng mga droga at hindi pinapayagan ang mga bata na uminom ng alkohol." Magtakda ng magandang halimbawa. Mas malamang na malamang ang iyong anak na manigarilyo, uminom, o gumamit ng mga droga kung naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ka ng mga droga, kahit na sabihan sila na huwag gagawin.
  • Pag-usapan ang tunkol sa kung ano ang nagagawa ng mabuting kaibigan. Ang panggigipit ng kauri ay isang malaking bahagi kung bakit nasasangkot ang mga bata sa mga droga at alkohol. Tulungan ang iyong anak na maunawaan na ang mga kaibigan na nanggigipit sa kanila na uminom o gumamit ng mga droga ay hindi talaga mga kaibigan. Isabuhay ang mga paraan para tumanggi ang iyong anak sa mga droga, bilang halimbawa:
    • Sabihing, "salamat na lang" at lumakad palayo.
    • Magmungkahi ng iba pang bagay na gagawin, tulad ng maglaro ng video game.
    • Gumamit ng pampatawa, tulad ng, "Salamat na lang. Ayokong iprito ang utak ko."
  • Bumuo ng pagpapahalaga sa sarili. Ang mga batang maganda ang pakiramdam tungkol sa kanilang sarili ay mas hindi gaanong mababaling sa mga droga. Maghandog ng maraming papuri para sa magandang trinabaho. Kung kailangan mong pintasan o disiplinahin ang iyong anak, pag-usapan ang aksyon, hindi ang bata. Bilang halimbawa, imbes na sabihing "dapat mas alam mo" subukang sabihing, "hindi ligtas ang ginagawa mo." Maglaan ng oras araw-araw para mag-usap, maglaro, o maglakad kasama ang bawat isa sa iyong mga anak.

Ang mga tao at mapagkukunan sa iyong komunidad na makatutulong sa iyo na isama ang iyong mga healthcare provider, therapist, mga grupo ng suporta, mga center sa kalusugan sa pag-iisip, at alkohol o mga programa sa paggagamot sa pag-abuso sa sustansya. Maaaring gusto mong kontakin ang:

  • Pambansang Lupon sa Alkoholismo at Pagkagumon sa Droga (National Council on Alcoholism and Drug Dependence)
    800-622-2255
    https://www.ncadd.org/
Developed by RelayHealth.
Pediatric Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2016-07-05
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image