________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang pilay sa tuhod ay isang pinsala sa isa o marami pang litid sa iyong tuhod. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Ang mga litid sa iyong tuhod ay pinapanatiling nasa puwesto ang iyong tuhod at mga leg bone kapag naglalakad o tumatakbo ka. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang ganap na pagkapunit ay ginagawang napakaluwag at hindi panatag ang dugtong ng tuhod.
Ang mga pangunahing litid sa iyong tuhod ay litid na medial collateral, ang litid na lateral collateral, ang litid na anterior cruciate, at ang litid na posterior cruciate.
Ang pilay sa tuhod ay nagiging sanhi ng isang biglaang aktibidad na bumabaluktot o pumupunit ng litid. Maaaring mangyari ito, bilang halimbawa, kapag naglaro ka ng sports, kapag bumagsak ka, o kung ikaw ay nasa isang aksidente na bumabaluktot ang iyong paa.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Maaaring irekumenda ng iyong provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.
Maaaring balutan ng iyong provider ng nababanat na benda sa paligid ng iyong tuhod para mapigilan sa paglala ang pamamaga. Maaaring kailanganin mong panatilihin ang iyong tuhod sa isang immobilizer ng tuhod at gumamit ng mga saklay para maprotektahan ang iyong tuhod habang naghihilom ka.
Kadalasan hindi kailangan ang operasyon maliban lang kung may ganap kang pagkapunit ng litid o mangilan-ngilang litid ang napinsala nang sabay-sabay.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, mag-ehersisyo na nakapagpapalakas ng mga kalamnan ng hita at hamstring at unatin ang mga kalamnan ng iyong binti.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kung mag-i-ski ka, siguruhing nai-set nang tama ang iyong mga ski binding ng isang sanay na dalubhasa para kakawala ang iyong mga ski kung babagsak ka.