________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Nangyayari ang isang atake sa puso kapag biglaang naharangan ang daloy ng dugo sa bahagi ng puso. Kapag hindi maabot ng dugo at oxygen ang kalamnan ng puso. Nasisira ang kalamnan. Kung mabarahan nang napakatagal ang daloy ng dugo, namamatay ang kalamnan ng puso. Kapag namatay ang kalamnan, hindi makakapagbomba ng dugo nang mabuti ang puso papunta sa natitirang bahagi ng katawan tulad ng dapat na ginagawa nito. Ang sobrang pinsala sa puso ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay.
Ang isang atake sa puso ay tinatawag din na myocardial infarction, o MI.
Ang mga atake sa puso ay sanhi ng problema sa mga blood vessel na naghahatid ng dugo at oxygen sa kalamnan ng puso. Ang blood vessel na ito ay tinatawag na mga coronary artery.
Ang matatabang deposito na tinatawag na plaque ay maaaring mamuo sa mga coronary artery at gawing mas makipot ang mga iyon. Binabawasan ng pagkikipot ang daloy ng dugo papunta sa puso. Ang plaque ay maaaring sapilitang bumuka at maging sanhi ng pamumuo sa blood vessel. Ang maliliit na piraso ng plaque ay maaring masira mula sa dingding ng blood vessel at ganap na mabarahan ng mas maliit na blood vessel.
Ang sakit sa puso ay maaaring mangyari kapag kinailangan ng kalamnan ng puso nang maraming oxygen kaysa sa naibibigay ng mga blood vessel. Maaaring mangyari ito, bilang halimbawa, sa oras ng mabigat na ehersisyo tulad ng pagpapala ng snow, o sa biglang pagtaas sa presyon ng dugo.
Minsan ang isang atake sa puso ay sanhi ng isang pasma. Ang isang pasma ay biglaan at pansamantalang pagkipot ng maliit na bahagi ng artery na naghahatid ng dugo sa puso. Ang pasma ay maaaring maging sanhi ng paninigarilyo o mga droga tulad ng cocaine.
Ang mga dahilan ng peligro sa isang atake sa puso ay kabilang ang:
Mas malamang ka na magkaroon ng atake sa puso habang tumatanda ka. Ang kapwa kalalakihan at kababaihan ay maaaring magkaroon ng mga atake sa puso, ngunit ang mga ito ay mas malamang na mangyari sa mas batang edad sa kalalakihan kaysa sa kababaihan. Ang mga hormone ng babae ay mukhang nakakatulong protektahan ang kababaihan hanggang sa mag-menopause, kapag hindi na gaanong gumagawa ng mga hormone ito.
Hindi lahat ng tao ay may parehong mga sintomas. Ang mga senyales ng isang atake sa puso ay maaaring isa o higit pa sa sumusunod:
Kasama ng mga sintomas na ito, maaari ka rin makaramdam ng sobrang kapaguran, pagkahimatay, o pakiramdam na nasusuka. Sa malalalang kaso, maaaring mangyari ang biglaang pagkamatay.
Tawagan ang 911 para sa agad na tulong na emergency kung may mga sintomas ka ng pag-atake sa puso. Huwag ipagmaneho ang iyong sarili papunta sa ospital. Ang madaliang emergency na pangangalaga ay nakakabuti sa iyong mga tsansang makaligtas at maaaring makatulong maiwasan ang pinsala sa iyong puso.
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at iyong medikal na history at eeksaminin ka. Maaari kang magkaroon ng mangilan-ngilang pagsusuri, na maaaring kasama ang:
Ang mga atake sa puso ay kinakailangan ng madaliang paggagamot sa ospital.
Maaari kang makatanggap ng mga gamot para:
Maaaring kailanganin mo ng operasyon para mabuksan o i-bypass ang mga nabarahang blood vessel.
Maaari kang manatili sa ospital nang mangilan-ngilang araw. Sa bahagi ng panahon na iyon, maaaring ikaw ay nasa isang intensive care unit.
Sundin ang plano ng paggagamot na inirerekumenda ng iyong provider.
Pagkatapos ng atake sa puso, maaaring kailanganin mong magsimula ng programa ng rehabilitasyon para tulungan kang makabawi at makaangkop sa mga problemang sanhi ng atake sa puso. Ang mga programa ng rehab para sa puso ay pinababa ang peligro ng pagkamatay pagkatapos ng mga atake sa puso. Kabilang sa rehab para sa puso ang programa ng ehersisyo na dahan-dahang tinataas at ginagabayan ng isang dalubhasa sa healthcare na sinanay sa mga programa sa pagpapalusog-ng-puso. Matututunan mo rin ang tungkol sa diyeta at iba pang paraan para pabutihin ang iyong kalusugan at tulungang maiwasan ang isa pang atake sa puso.
Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ang ilang peligro sa isang atake sa puso ay hindi mapipigilan, tulad ng edad, lahi, at history ng pamilya. Ang iba pang leligro, tulad ng mataas na presyon ng dugo, mataas na cholesterol, diabetes, at sakit sa puso ay makokontol sa tulong ng iyong healthcare provider. Makatutulong din ang mga pagbabago sa istilo ng pamumuhay na maiwasan ang isang atake sa puso:
Makakakuha ka ng mas maraming impormasyon sa: