________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang retina ay ang lining sa likuran ng iyong mata na nakadadama ng liwanag na pumapasok sa iyong mata. Ang isang retinal detachment ay kapag ang retina ay nahihilang palayo sa mga tissue sa ilalim nito. Ang isang retinal detachment ay napakaseryosong at kinakailangang magamot kaagad para maligtas ang iyong paningin.
Ang isang retinal detachment ay kadalasang sanhi ng isa sa dalawang problema:
Iba pang problema na maaaring magpataas sa iyong peligro ng retinal detachment ay kabilang ang:
Kabilang sa mga sintomas ng retinal detachment:
Kung hindi magagamot, maaaring magkaroon ka ng ganap na pagkawala ng paningin. Maaaring tumagal ito nang mga oras o buwan.
Tatanungin ng iyong provider sa mata ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history, at magsasagawa ng mga eksaminasyon at pagsusuri tulad ng:
Kung ang retinal detachment ay sanhi ng paglaki o impeksyon, ang paggamot sa mga problemang iyon ay maaaring iyon lang ang kailangan. Iba pang uri ng retinal detachment ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng operasyon. Iba't-ibang uri ng pag-opera kasama ang paglalagay ng isang band sa paligid ng mata o paglalagay ng gas o langis sa mata upang muling ikabit ang retina. Para sa karamihan ng mga procedure, makakauwi ka sa parehong araw. Ang iyong paningin ay maaaring maging napakalabo pagkatapos ng operasyon. Maaari itong tumagal nang mangilan-ngilang linggo o buwan para mawala ang kalabuan. Kung malala ang detachment, ang iyong paningin ay maaaring hindi na bumalik sa normal.
Habang nagpapagaling ka, maaaring kailangan mong panatilihin ang iyong ulo sa isang tiyak na posisyon, tulad ng nakatungo, ng ilang araw o linggo upang ang iyong retina gumaling sa tamang posisyon. Sasabihin sa iyo ng iyong provider kung anong posisyon ipapahinga ang iyong ulo, kung gaanong katagal na kailangan mong gawin ito araw-araw, at kung ilang araw o linggo. Mabibili ang espesyal na muwebles na makakatulong sa iyo na panatilihing nakaposisyon nang komportable ang iyong ulo sa panahon ng iyong pagpapagaling. Tanungin ang iyong provider para sa higit na impormasyon tungkol dito.
Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider. Tanungin ang iyong healthcare provider:
Siguraduhin na alam mo kung kailan ka babalik para sa isang checkup, at kung kailan ka kailangang masuri para sa reseta sa isang pagpapalit ng salamin.
Minsan maaaring humugis pa ang pilat sa tissue kahit pagkatapos maayos ang retinal detachment. Maaari kang magpa-opera upang tanggalin ang pilat. Kung lumalala ang iyong paningin o nagsisimula kang magkaroon ng mga bagong problema sa paningin pagkatapos ng operasyon, ipaalam sa iyong provider.
Kung ikaw ay masyadong malinaw ang mata sa malapitan o may history ng pamilya ng mga retinal detachment, magpatingin nang regular sa iyong eyecare provider. Samantalang hindi mo maiiwasan ang ilang pagbabago sa iyong mga mata, ang maagap na paghahanap at paggagamot sa mga butas at punit ay nakakatulong maiwasan ang retinal detachment.
Kung nagkaroon ka na ng retinal detachment sa isang mata, ang iyong peligro ng retinal detachment sa kabilang mata ay mas malaki. Magpatingin nang regular sa iyong eyecare provider para ang anumang mga problema sa iyong kabilang mata ay maaaring maitama bago maging mas malala ang mga ito.